Nasa 32% ng samples na sinuri sa buong bansa ang positibo sa COVID-19 Delta variant.
Ayon kay Department of Health Chief Epidemiologist Dr. Alethea de Guzman, mula sa 16,589 samples na kanilang sinuri ay lumalabas na 5,331 dito ang Delta variant.
Kasunod nito, nasa 3,562 naman o higit 21 porsyento ng samples ang nagpositibo sa Beta variant habang 3,106 o halos 19 porsyento ang natukoy bilang Alpha variant.
Sa kabila niyan, patuloy pa rin ang pagbaba ng mga naiitalang kaso kung saan dito sa Metro Manila ay nasa 4,183 na lamang ang average cases sa nakalipas na linggo.
Facebook Comments