Umabot sa 3,561.10 kilos ng basura ang nakolekta sa naganap na Palit Basura Program sa mga barangay ng Mona, Cayucay at Pangapisan sa Alaminos City.
Sa ilalim ng programa, maaaring maipalit sa grocery items ng mga residente ang nakolektang basura mula sa kanilang kabahayan.
Ayon sa City Environment and Natural Resources Office, maituturing na matagumpay ang unang Palit Basura Caravan na isinagawa dahil sa kooperasyon ng mga residente kada barangay.
Mahigpit na paalala ng tanggapan na dapat tuyo at nasa recyclable na lalagyan tulad ng sako ang ipapalit na basura upang maayos itong tatanggapin sa programa.
Patuloy na paalala ng tanggapan sa mga residente ang wastong pangangalaga sa kalikasan na maaaring simulan sa waste management. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









