Higit 3,500 na indibiwal sa Cagayan at Isabela, inilikas dahil sa pagbaha dulot ng Bagyong Vicky; Anim na katao, kumpirmadong patay sa Agusan del Sur at Leyte dahil pa rin sa bagyo

Aabot sa 3,500 naindibidwal ang inilikas sa probinsya ng Cagayan at Isabela dahil sa pagbaha dulot ng Bagyong Vicky.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, higit 2,500 indibidwal ang inilikas sa kanilang kung saan 1,400 dito ay mula sa Tuguegarao City at ang natitira ay mula sa Enrile at Solana.

Ito dahil aniya sa mabilis na pagtaas ng tubig sa Cagayan River.


Sa ngayon, nasa red alert status na ang lokal na pamahalaan ng Cagayan.

Habang 1,000 naman ang inilikas mula sa Isabela at isa ang nawawala na pinaniniwalaang inanod ng rumaragasang tubig.

Dahil sa pagbaha, ilang daan sa lungsod ang kasalukuyang hindi madadaanan ng mga motorista.

Samantala, anim na katao naman ang kumpirmadong nasawi sa Leyte at Agusan del Sur bunsod pa rin ng pananalasa ng Bagyong Vicky.

Ayon kay National Disaster Council Spokesman Mark Timbal, tatlo dito ay mula sa mahaplag, Leyte habang ang tatlo pa ay sa Agusan del Sur at isa ang patuloy pa ring hinahanap ng otoridad.

Facebook Comments