HIGIT 35K NA FAMILY FOOD PACKS NA MULA SA DSWD R1, NAKAHANDA NA PARA SA MGA MAGIGING APEKTADO NG BAGYONG MAWAR

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang libu-libong 35, 347 family food packs para sa mga residente ng Ilocos Region bilang tulong para sa inaasahang pagpasok ng Bagyong Mawar sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend.
Batay sa inilabas na pahayag ng DSWD nitong Huwebes, nasa 2, 500 food packs na ang nai-deliver na sa mga bodega ng bayan ng Anda at Bautista sa lalawigan ng Pangasinan, at 2,000 sa regional warehouse sa San Fernando City, La Union habang ang ang iba ay naka-standby sa ibang mga satellite center.
Ayon kay Anne Hazel Fajardo-DSWD information officer, ang mga family food packs ay hindi ibinibigay ng basta basta ngunit unang gagamitin ng mga local government units (LGUs) para sa kanilang Quick Response Fund.
Dagdag pa niya, maaaring humiling ang mga LGU sa DSWD para sa augmentation kung hindi sapat ang kanilang pondo para sa bilang ng mga tatanggap.
Nakahanda rin ang 29,868 non-food items at 5,007 bottled drinking water.
Samantala, sa ngayon patuloy pa ang monitoring ng ahensya sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments