Higit 36,000 katao, inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal

Courtesy Mike Sagaran

Umabot na sa halos 36,000 indibidwal ang inilikas kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa huling datos Ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 35,945 tao o katumbas ng 7,730 na pamilya ang lumikas sa Evacuation Centers mula sa 27 siyudad at munisipalidad ng Batangas.

Wala namang naitalang casualties.


Aabot na rin sa 144 Volcanic Earthquakes ang naitala sa Taal Region, at 44 na dito ay naramdaman mula intensity 1 hanggang intensity 4 sa Tagaytay City, Alitagtag, Sto. Tomas at Lemery sa Batangas.

Facebook Comments