Higit 36,000 tourism workers, nag-apply para sa subsidy program ng DOLE

Umabot na sa 36,446 na manggagawa mula sa sektor ng turismo ang nag-apply para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) financial assistance sa buong bansa.

Ito ang naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula nitong December 4.

Sa datos ng DOLE, ang Central Visayas ang may pinakamaraming applicant workers na nasa 10,719 (30%) applications kasunod ang National Capital Region (6,217 o 17%), Western Visayas (3,783 o 10%), Zamboanga Peninsula (2,675 o 7%) at CALABARZON (2,657 o 7%).


Ang pinakakaunting aplikante ay mula sa Eastern Visayas na nasa 155.

Mula sa higit 36,000 applications, 8,146 ang hindi tinanggap habang 12,121 ang inaprubahan.

Ang bayad naman para sa 7,477 na manggagawa na nagkakahalaga ng ₱37,385,000 ay nai-remit na sa payment centers.

Nitong nakaraang linggo, hinimok ng DOLE ang mga displaced tourism workers sa formal at informal sectors na mag-avail ng financial assistance at emergency program ng gobyerno.

Facebook Comments