
Nasa kabuuang 360,400 pesos ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng hanay ng pulisya sa rehiyon uno mula sa walong isinagawang operasyon.
Mula July 10 hanggang July 11, 2025, nasa 53 gramo ng shabu ang kabuuang nakumpiska ng awtoridad sa mga isinagawang operasyon.
Nasa siyam na indibidwal naman ang naaresto.
Bahagi pa rin ito ng kampanya ng Police Regional Office 1 laban sa iligal na droga upang tuluyang mawaksi ang sirkulasyon nito sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







