Handa na ang mahigit 37,000 pampublikong paaralan na gagamiting polling precincts sa May 9 elections.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Public Affairs Office director Marcelo Bragado, handa na rin ang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI).
Aniya, ang mga nasabing paaralan ay magsasagawa ng testing at sealing ng Vote Counting Machines (VCMs) simula sa May 2 hanggang 7.
Matatandaang inanunsyo ng DepEd na suspendido ang pasok sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa nasabing mga araw dahil sa mga isasagawang election-related activities.
Facebook Comments