Higit 370k family food packs, handang ipamahagi – DSWD

Aabot sa 370,000 family food packs ang handang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government units (LGUs) na nangangailangan ng relief augmentation support.

Batay sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), nasa 370,058 FFPs na nagkakahalaga ng ₱188.61 million ang available para sa distribution.

Lumalabas sa ulat na higit ₱527.74 million na halaga ng non-food items at higit ₱306.58 million na halaga ng iba pang food items ang nakahanda bilang bahagi ng stockpiles ng DSWD.


Ang kabuoang stanby funds ng DSWD ay nasa ₱562.34 million.

Facebook Comments