HIGIT 3K TRABAHO, TAMPOK SA JOB FAIR SA SM URDANETA CITY

Nadagdagan pa ang mga alok na trabaho sa taunang Job Fair na inilunsad sa SM Urdaneta Central katuwang Pangasinan Employment and Services Offices at iba pang ahensya ngayong taon.

Mula sa higit 1,700 na job vacancies na handog noong nakaraang taon, dumoble pa ang binuksan na trabaho mula sa 36 employers na nag-aalok ng kabuuang 3,700 trabaho sa lokal at overseas.

Ayon kay Christine Rosario, Assistant Mall Manager, layunin na patuloy na makapag bukas ng job opportunities sa mga Pangasinense bilang aktibong suporta sa pangangailangan ng komunidad.

Nilahukan ito ng mga Pangasinense mula sa iba’t-ibang panig ng lalawigan na nag-aasam makahanap ng trabaho sa mga lokal na establisyemento maging sa overseas.

Isang overseas employer naman ang nagsabi na maraming bakanteng posisyon na tulad ng waiter, human resources services, at hospital staffs sa mga bansang Saudi Arabia at Papua New Guinea ang alok maaaring tanggapin nang walang iniisip na placement fee at iba pang bayarin maliban sa medical requirements.

Ganon din sa ilang local companies na lubos ang pasasalamat sa aktibidad upang mapunan ang daang-daang job vacancy sa kanilang kompanya.

Bukod sa Job Fair, naging tulay din ang aktibidad para sa iba pang kailangang iproseso ng publiko sa mga government offices tulad ng PhilHealth, Social Security System, Professional Regulation Commission, at Department of Migrant Workers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments