HIGIT 3M HALAGA NG MARIJUANA, NASABAT SA KALINGA

CAUAYAN CITY- Tinatayang nasa 30.2 kilogram ng dried marijuana ang nasamsam ng mga otoridad sa isang motorsiklo na aksidenteng bumangga sa isang sasakyan sa Nasgueban , Appas, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa drayber ng nabanggang sasakyan, nakita nya ang drayber ng motorsiklo na may kausap na dalawang naka-motorsiklo din at nang nag-flasher ay biglang humarurot ng takbo ang suspek at bumangga sa kanyang behikulo.

Aniya, kinamusta niya ang drayber ng motorsiklo at nang tingnan ang sira ng kanyang sasakyan ay dito kumaripas ng takbo ang suspek papalayo sa pinangyarihan ng insidente at dito niya napansin ang kargamento ng motorsiklo na naglalaman ng hinihinalang marijuana.


Agad itong tumawag sa mga otoridad upang mag-report at dito na tumambad ang kilo-kilong marijuana na nagkakahalaga ng Php3,624,000.

Facebook Comments