Higit 4.5 million na mag-aaral, nakarehistro na para sa nalalapit na school year – DepEd

Umabot na sa 4.5 million na mag-aaral ang nakapag-rehistro na para sa nalalapit na School Year (SY) 2021-2022.

Batay sa Early Registration Monitoring Report ng Department of Education (DepEd), umabot na sa 4,557,435 learners sa Kindergarten, Grade 1, 7, at 11 ang agad na nagparehistro mula nitong Abril hanggang katapusan ng Mayo.

Ang CALABARZON ang may mataas na bilang ng mag-aaral na nag-avail ng early registration na nasa 480,709 kasunod ang Central Visayas (405,001) at Western Visayas (387,152).


Naabot ng DepEd ang 99% registration turnout kumpara sa nakaraang taong datos.

Nagpapasalamat si Education Secretary Leonor Briones sa kanilang mga field offices, mga magulang at mga estudyante sa kooperasyon at suporta sa kabila ng mga hamon ng pandemya.

Ang Grades 2-6, 8-10, at 12 ay ikinokonsiderang pre-registered at hindi na kailangang lumahok sa early registration.

Facebook Comments