Umabot sa higit P4.9 milyong piso ang nasabat ng awtoridad sa Ilocos Region sa loob ng isang linggong operasyon.
Kabuuang 36 na operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 413.79 gramo ng shabu, 50.43 gramo ng dried marijuana, 10,250 fully grown marijuana plants, at 1,000 seedlings.
Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto sa 40 suspek at mayroong tatlong drug personalities ang sumuko sa mga pulis.
Tiniyak ng tanggapan ang patuloy na pag-usig sa mga iligal na gawain sa buong rehiyon tulad ng iligal na droga maging ang kriminalidad at anumang uri ng emergency.
Hinikayat din ang pagtawag sa hotline na 911 upang mas madaling marespondehan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









