Higit 4-K na mga pasahero, naserbisyuhan ng LRT-2 sa libreng sakay para sa mga kawani ng pamahalaan ngayong Civil Service Month

Naserbisyuhan ang nasa kabuuang 4,422 na mga empleyado ng pamahalaan ang sa libreng sakay ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) mula September 18 hanggang 20, 2023.

Ito ay kasabay ng pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-123rd Philippine Civil Service Anniversary.

Unang binuksan ito noong nakaraang Lunes, Setyembre 18, kung saan umabot sa 1,120 ang agad na nakinabang sa libreng sakay.


Sa kabuuan ng libre-sakay, binubuksan ito mula 7AM hanggang 9AM at mula 5PM hanggang 7PM.

Maalalang sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, na ang libreng sakay program ay bahagi ng pagkilala at pasasalamat ng Department of Transportation (DOTr) sa sakripisyo at dedikasyon sa serbisyo ng mga kawani ng pamahalaan.

Facebook Comments