Mahigit apat na milyong residente o 916,446 households sa Bicol Region ang wala pa ring supply ng kuryente kasunod ng pananalasa ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, sa tala ng National Electrification Administration (NEA), daan-daang poste ng kuryente at torre ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Bicol ang natumba at halos mabuwal.
Aniya, malaking hamon ang pagbabalik ng kuryente sa Catanduanes, Albay at Marinduque.
Kabilang sa mga households o kabahayan na nawalan ng kuryente dahil sa bagyo:
- Sorsogon – 162,406
- Albay – 197,878
- Catanduanes – 57,218
- Camarines Sur – 377,284
- Camarines Norte- 121,660
Sinabi naman ni Fuentebella na nagpadala na ng task force mula sa iba’t ibang kooperatiba sa mga apektadong lugar para tumulong sa pag-aayos ng mga nasirang pasilidad.
Aminado naman si Fuentebella na kahit electric cooperatives at national grid ay walang maibigay na katiyakan kung kailan maibabalik ang supply ng kuryente.