Higit 4 milyon na pasahero, inaasahang dadagsa sa mga pantalan —PPA

Inaasahan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagdagsa ng mas maraming pasahero sa mga pantalan sa bansa.

Sa ginanap na Kapihan sa Pantalan, sinabi ni PPA Gen. Manager Jay Santiago na posibleng umabot sa 4.6 milyon ang bilang ng mga pahero simula ngayong araw hanggang January 5, 2025.

Ayon kay Santiago, dahil sa inaasahan dagsa ng pasahero, inatasan niya ang mga tauhan sa pantalan na siguraduhin na panatilihin ma maayos ang mga pasilidad at convenient ang sitwasyon ng mga babiyahe.

Dagdag pa ng opisyal, mas mahigpit na seguridad ang kanilang inilatag sa mga pantalan kung saan naka-heightened alert status na rin ang PPA ngayong araw bilsng paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero.

Minamadali na rin ng PPA ang pagsasa-ayos sa ilang mga pasilidad ng mga pantalan na nasira ng nagdaang bagyo.

Kaugnay nito, tutukan ng PPA ang mga pantalan sa Iloilo, Batangas, Mindoro, Davao at Manila.

Sa datos pa ng PPA, mula Enero hanggang Oktubre 2025, umabot sa mahigit 69.1 milyong pasahero ang naitala na mas mataas ng 5.25% kumpara noong nakaraang taon.

Facebook Comments