HIGIT 4 MILYONG PISONG HALAGA NG BUSINESS KITS, NAIPAMAHAGI NG DTI PANGASINAN

Higit apat na milyong pisong halaga ng business kits ang naipamahagi ng DTI Pangasinan sa probinsya at higit na nakinabang dito ang mga single parents.
Dahil sa pandemya ay nahirapan ang mga single parents na makapaghanap buhay kaya sa tulong ng mga business kits na naipamahagi ay mapabilis nito ang kanilang pag-ahon muli.
Limangpung mapalad na naging partner ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (DTI-PPG) ang napamahagian ng nasabing business kits.

Sa huling datos ng DTI, may kabuuang 1,437 partners mula sa 25 na bayan ng Pangasinan ang natulungan ng ahensya na naapektuhan ng Covid 19 pandemic na sinimulan noong Abril ng 2020. |ifmnews
Facebook Comments