Manila, Philippines – Umabot na sa higit apat na milyong trabaho ang nalikha sa ilalim ng Build Build Build Infrastructure Program sa nakalipas na tatlong taon.
Mula nang ilunsad ang BBB Program noong 2016, ay aabot na sa 4,199,228 na trabaho ang nalikha mula sa road, bridge, flood-control at iba pang proyektong imprastraktura
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar – nagpapasalamat sila na itinaas ang budget ng ahensya mula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, nakakapagbigay sila ng trabaho sa milyu-milyong Pilipino sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Nitong 2018, aabot sa 1.8 milyon na Pilipino ang employed dahil sa maambisyosong programa ng Duterte administration.
Inaasahang halos milyon pang manggagawa ang magbebenipisyo mula sa mga proyekto ng gobyerno ngayong taon.