Patuloy na sinisikap ng lokal na pamahalaan ng Maynila na maipaabot sa mga residente nito ang programa nilang “Kalinga sa Maynila”.
Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagalita ng tanggapan ni Mayor Honey Lacuna, nasa 43 barangay na ang naseserbisyuhan ng nasabing program kung saan target nila na mapuntahan ang lahat ng barangay sa lungsod.
Nabatid na nasa 897 ang bilang barangay sa Maynila kung saan sisikapin nila ng maikutan lahat ito.
Ilan sa mga serbisyo rito ay COVID-19 vaccination, medical consultation, basic medicines, deworming at rabies vaccination.
Meron din civil registry, tricycle/parking registration, at registration ng PWD/solo parent/senior citizen ID.
Isa rin sa ikinakasa sa Kalinga sa Maynila ay ang job fair sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) Manila.