Higit 40 evacuation centers sa Malabon, nakahanda na sakaling lumikas ang ibang residente

Nakahanda na ang 47 evacuation centers mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Malabon para sa mga kinakailangang lumikas sa kanilang tahanan dahil sa epektong dulot ng Bagyong Kristine.

Hinihikayat ang mga apektadong residente na sumunod sa barangay o sa mga awtoridad kung may preemptive evacuation order sa kanilang lugar.

Patuloy naman ang pagmo-monitor ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Malabon Disaster Risk Reduction and Managent Office sa mga delikadong lugar habang nananalasa ang naturang bagyo.


Kasalukuyang nag-iikot ang mga ito upang alamin ang sitwasyon sa komunidad at malaman kung may mga pangangailangan na dapat matugunan.

Kasama ng mga tauhan ng Malabon LGU ang 130 reservists mula sa Philippine Army.

Pinapaalalahanan ang mga residente na maging handa, magtungo sa ligtas na lugar, at sundin ang mga abiso mula sa lokal na pamahalaan para sa kanilang seguridad at kaligtasan.

Facebook Comments