Makakaranas ng tagtuyot hanggang sa susunod na tatlong buwan ang ilang lalawigan sa bansa.
Ito ay dahil sa epekto ng El Niño na nagpapababa ng tiyansa ng ulan sa bansa.
Ayon sa Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) – siyam na probinsya sa bansa (lima sa Luzon at apat sa Mindanao) ang makakaranas ng drought habang 41 na probinsya sa bansa (26 sa Luzon, 10 sa Visayas at lima sa Mindanao) ang mararamdaman ang dry spell hanggang sa katapusan ng Marso.
Ang “dry spell” ay dalawa hanggang tatlong sunod na buwan na mababa sa normal ang average rainfall conditions.
Ang “drought” naman ay mas matinding tagtuyot, na may tatlo hanggang limang sunod na buwan na mababa sa normal ang rainfall conditions.