Higit 40-M fully vaccinated na Pinoy, wala pang booster shot – DOH

35

Mahigit 40.6 million fully vaccinated na mga Pilipino ang hindi pa natuturukan ng booster shots.

Ayon sa Department of Health (DOH), 25 porsiyento o 13.7 milyon sa 54.4 milyon na naturukan ng dalawang primary doses ang nabigyan na ng third dose o unang bosster shot.

Dahil dito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko na napakahalaga ng booster shot ngayon may banta na ng Omicron subvariant.


Maari na rin magpaturok ng 4th dose o second booster shots ang mga fully vaccinated na immunocompromised, senior citizens at medical frontliners.

Facebook Comments