Higit 40 na pasyente sa Sta. Rosa Laguna Hospital, bibigyan ng VCO supplement upang masuri kung mas magiging mabilis ang recovery kumpara sa hindi iinom ng VCO

Matapos pumasa sa clinical trials sinimulan narin ng Department of Science & Technology (DOST) ang pagsasanay sa mga personnel ng Sta. Rosa Laguna Hospital kaugnay sa pagsasama sa menu ng ilan nilang pasyente na may sintomas ng COVID-19 ng virgin coconut oil.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña, sinabi nitong sa ngayon, nagpapatuloy ang training ng mga personnel ng nasabing ospital tulad ng kanilang dietician at medtech na syang maglalagay ng tatlong kutsara ng VCO sa pagkain ng mga pasyente.

Ayon pa kay Dela Peña, 45 pasyente ng Sta. Rosa Laguna Hospital ang bibigyan ng VCO supplement at 45 pasyente rin ang hindi papainumin ng VCO.


Titignan nila kung mas mabilis ang magiging recovery ng mga pasyente kapag umiinom ng VCO supplement kumpara sa mga hindi umiinom nito.

Base kasi sa pag-aaral, taglay ng VCO ang anti-viral properties kung kaya’t mas madali ang recovery kapag uminom ng naturang supplemental medicine.

Samantala, sa Philippine General Hospital aniya kapag naaprubahan na ng ethics board, isusunod na rin nila ang mga pagsasanay sa mga personnel ng PGH nang sa ganun ay maumpisahan na rin nila ang pagpapainom sa ilan nilang pasyente na may COVID-19 ng virgin coconut oil.

Facebook Comments