Higit 40 pamilya, nananatili sa mga evacuation center sa Valenzuela

Umaabot sa 49 na pamilya o 199 indibidwal ang hindi pa rin nakakauwi sa kani-kanilang tahanan sa Valenzuela City.

Ito’y dahil sa hindi ligtas ang kanilang lugar bunsod ng epekto ng Bagyong Enteng.

Ang ilan sa kanila ay nagmula pa sa walong barangay sa District 1 at 2 sa lungsod na lubhang apektado ng naturang bagyo.


Nananatil sila sa 11 evacuation centers kung saan patuloy silang inaalalayan ng lokal na pamahalaan.

Patuloy ring naka-monitor ang ilang tanggapan ng Valenzuela LGU hinggil sa sitwasyon lalo na’t may ilang pangunahing kalsada ang binabaha.

Facebook Comments