Higit 40 Super Health Centers sa buong bansa, naitayo ng DOH bago matapos ang 2024

Umabot sa 42 Bagong Urgent Care and Ambulatory Services ang naipatayo ng Department of Health (DOH).

Ito’y bago matapos ang taong 2024 kung saan ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, layunin nito na mas mailapit pa sa mga publiko lalo na sa malalayong lugar ang serbisyong pangkalusugan.

Ang BUCAS Center o Super Health Center ay may mga kumpletong basic equipment, doktor at mga gamot na libreng ipapamahagi.


Sa nasabing bilang, 20 ang naipatayo sa Luzon, 8 sa Visayas at 14 sa Mindanao at bukod Super Health Centers, naitayo na rin ng DOH ang Purok Kalusugan sa mga liblib na lugar.

Mayroon na ring 83 Bagong Pilipinas Mobile Clinics na may doktor para sa consultation, chest x-ray, Ultrasound at blood examinations na umiikot sa buong bansa.

Dagdag pa ni Herbosa, nakapagtalaga na rin sila ng 627 doctors to the Barrio Program habang nasa 19,425 ang mga health workers at 253,537 ang mga Barangay Health Workers na patuloy sinusuportahan ng DOH.

Facebook Comments