Umabot na sa 423 na mga aftershocks ang naitala kasunod ng magnitude 5.5 na lindol sa Occidental Mindoro noong Sabado.
Ayon sa PHIVOLCS, ang episentro ng lindol ay nasa loob ng tinatawag na seismically active na rehiyong Palawan, Mindoro, Panay collision zone at ng aftershocks nito kung saan inaasahan na ang mga lindol.
Anila, patuloy nilang binabantayan ang rehiyon maging ang mga apektadong lugar.
Nagpaalala naman ang PHIVOLCS na maging laging handa at laging mag-monitor sa mga inilalabas na update ng ahensya.
Facebook Comments