Higit 400 bahay, nasira dahil sa paghagupit ng Bagyong Uwan sa Zambales at Bataan

Umabot na sa mahigit 400 na bahay ang naitalang winasak ng Bagyong Uwan sa Zambales at Bataan, kabilang ang higit 100 bahay na tuluyang gumuho at ilan pang inanod ng tubig.

309 na bahay ang naiulat na nawasak sa Zambales, kung saan 44 ang totally damaged sa Barangay Catol, Candelaria, habang gumuho rin ang mga bahay sa Babancal, Libertador, Balitoc, Tabalong, Malabago at Lipoy.

Sa Bataan naman, tinamaan ang mga bayan ng Hermosa, Samal, Orion, Limay, at Dinalupihan kung saan umabot sa 100 bahay ang nasira.

Nadamay rin ang agrikultura at pangisdaan, kabilang ang tatlong mangingisda sa Barangay Almacen at 61 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay.
 
Samantala, unti-unti nang nakababalik ang mga evacuee na may matitirhan pang bahay.

Sa Zambales, higit 9,000 pamilya ang lumikas habang sa Bataan ay umabot sa higit 79,000 indibidwal.

Patuloy pa rin ang assessment sa lawak ng pinsala sa dalawang lalawigan.

Facebook Comments