HIGIT 400 BATA EDAD 5-11, NAKAPAGPAREHISTRO NA PARA SA EXPANDED PEDIATRIC VACCINATION

ROSALES, PANGASINAN – Umabot na sa higit 400 bata edad 5-11 ang naiparehistro na ng kanilang magulang para sa Expanded Pediatric Vaccination kontra COVID-19 sa Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center (CFERMTC).

Ang CFERMTC ang isa sa mga Launching Sites ng DOH Hospital sa Region 1 para sa Resbakuna Kids.

Nagsimula ang pagpaparehistro sa nasabing hospital noong ika-31 ng Enero.

Gagamiting bakuna sa mga nasabing kategoryang ang Pfizer.

Patuloy naman ang paghihikayat ng hospital sa mga magulang na irehistro ang kanilang anak sa pamamagitan ng link na matatagpuan sa facebook page ng hospital o di kaya ay magtungo sa mismong hospital upang maipalista ang pangalan ng anak.

Inaasahang sisimulan ang pagbabakuna sa mga nasabing edad ngayong buwan ng Pebrero sa Ilocos Region. | ifmnews

Facebook Comments