Cauayan City, Isabela- Aabot sa higit 400 benepisyaryo ang nakatanggap ng Social Amelioration Program – Emergency Subsidy (SAP) na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field office 2 mula sa dalawang barangay sa City of Ilagan, Isabela.
Batay sa datos ng ahensya, nasa kabuuang 353 mula sa Barangay Sindun Bayabo at 116 sa Barangay Sindun Maride na sumailalim sa Granular lokdown noong Oktubre ang nakatanggap ng nasabing ayudad sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2.
Muli namang ipinapabatid ng ahensya na ang mga tatanggap ng nasabing pinansyal ay mula sa mga low-income families na napasailalim sa granular lockdown na bahagi ng critical zone ng Cagayan Valley- Regional Inter-Agency Task Force (CV-RIATF) gayundin ang mga waitlisted na hindi nakatanggap ng Bayanihan to heal as One Act 1.
Sa ngayon ay inihahanda rin ng ahensya ang mga barangay na susunod na mabibigyan ng nasabing tulong pinansyal.