Naaalarma ang pamahalaan dahil sa dumaraming kaso ng online child sexual abuse sa nakalipas na apat na taon.
Sa Malacañang press briefing, iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na simula 2019 hanggang 2024 nasa 214 online child abuse cases ang natanggap ng Philippine National Police (PNP) kung saan nagkasa sila ng 98 operations.
Nasa 413 na kabataan din ang kanilang na-rescue at nasa 88 na mga suspeks ang arestado kung saan 38 dito ang convicted.
Dahil dito, mas pinaiigting pa ng pamahalaan ang laban nito kontra child abuse hanggang sa masawata na ang mga nasa likod ng ganitong uri ng krimen.
Dagdag pa ni Abalos, mahigpit ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tugunan ang nasabing problema dahil “worst of all crimes” aniya ito para sa pangulo.