Higit 400 establishments na may paglabag sa excise tax regulations, sinalakay ng BIR

Sinalakay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang iba’t ibang establishment sa buong bansa.

Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng mahigit ₱604.3 million halaga ng excisable perfume and toilet water products.

Batay sa ulat, higit 400 establishments ang sinalakay ng BIR nitong nakalipas na September 27 at 28.


Lahat ng negosyo ay nakitaan ng mga paglabag sa excise tax regulations.

Ang mga hakbang na ito ng BIR ay bahagi ng pagsisikap ng kawanihan na ipatupad ang tax regulations sa lahat ng business establishments.

Facebook Comments