Higit 400 na indibidwal, nabigyan ng medical assistance ng Philippine Red Cross

Umaabot na sa 408 na debito ang nabigyan ng medical assistance ng Philippine Red Cross (PRC) sa kasagsagan ng mga aktibidad sa Pista ng Itim na Poong Nazareno.

Ilan sa kanila ay binigyan ng mga paunang lunas ng mga nag-boluntaryong mga doktor at nurses ng Red Cross.

Karamihan sa mga deboto ay nakaramdam ng pagkahilo, galos sa parte ng katawan, hinimatay, pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga.


May ilan rin sa mga deboto ang kinailangan pang isugod sa ospital para sa karagdagang atensyong medikal.

Binigyang prayoridad rin ang debotong senior citizens na nahihilo matapos dumalo sa misa sa Quiapo Church at pagpupugay sa Quirino Grandstand.

Patuloy naman na umiikot ang medical patrol ng Philippine Red Cross upang makapagbigay ng agarang medical assistance sa mga deboto ng Itim na Poong Nazareno.

Mananatili rin ang kanilang mga emergency medical unit tent, first aid stations, at mga volunteers sa pagbibigay ng tulong hanggang matapos ang kapistahan.

Facebook Comments