Umaabot sa 411 na karagdagang kaso ng Delta variant ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.
Sa datos na ibinagi ni Usec. Ma. Rosario Vergeire ang tagapagsalit ng DOH, mula ito sa 747 samples na kanilang nasuri noong October 8 kung saan nasa 88 ang Alpha variant habang 78 naman ang Beta variant.
Ayon kay Vergeire, karamihan ng kaso ng Delta variant ay natukoy mula sa Returning Overseas Filipino at na-detect ito mula sa 17 rehiyon sa bansa.
Maging ang P.3 na dati ay natukoy lamang sa isang rehiyon, ngayon ay na-detect na rin ito sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.
Bukod dito, lahat ng siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ay nakakapagtala na rin ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Base pa sa datos, lumalabas na nasa moderate risk ang buong bansa pero nasa high-risk naman pagdating sa intensive care unit (ICU) utilization rate.
Habang bumaba naman ang total bed utilization sa NCR sa mga nakalipas na linggo pero nasa moderate risk ang mga ICU bed.
Itinuturing rin ng DOH na dominanat variant ang Delta na naitatala sa NCR.