Posibleng bumaba na lang sa higit 400 na kaso ng COVID-19 ang maitala kada araw sa bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, maaaring bumaba sa 429 na kaso kada araw sa Disyembre, kung patuloy na susunod ang publiko sa mga safety and health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at social distancing.
Gayunpaman, nagbabala naman si De Guzman na posibleng umabot ng hanggang 2,294 ang kaso ng sakit sa katapusan ng Disyembre, kung hindi naman susunod ang bawat isa sa mga safety and health protocols ngayong holiday season.
Una nang kinumpirma ng DOH na nakapasok na sa bansa ang mas nakakahawang BQ.1 COVID-19 Omicron subvariant, kung saan nakapagtala ng 14 na kaso nito.
Facebook Comments