Masuwerteng napamahagian ngayong araw ng ika-28 ng Abril ang nasa higit apatnaraang mga mangingisda sa lungsod ng Dagupan ng mga gamit pangisda bilang tulong sa selebrasyon ng Bangus Festival.
Nasa kabuuang 413 maliliit na mangingisda mula sa lungsod ang mga recipients o benepisyaryo ng mga gamit pangisda mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod at ng ahensyang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR bilang livelihood assistance.
Ilan lamang sa mga matatangap na mga gamit ay gillnets at outrigger sets, 5 units ng collapsible fish cages mula BFAR at feeds.
Kabilang sa mga makikinabang dito ang mga mangingisda mula Barangay Pugaro, Lcao (Sitio Tococ Nibaliw, Tococ Lucao), Bonuan Gueset, Bonuan Binloc, Salapingao, Calmay, Carael, Lomboy at Pantal.
Magpapaabot din ang BFAR ng technical assistance para sa mga mangingisda upang patuloy na mapabuti ang kanilang harvest.
Matatandaan na nitong mga nakaraang araw, nalulugi na ang ilang mga bangus fish growers sa lungsod dahil sa nararanasang mainit na panahon.
Ayon naman sa provincial agriculturist, nagkakaroon na sila ng assessment upang alamin ang maaaring maibigay sa mga mangingisdang naaapektuhan ng naturang problema.

Facebook Comments