Higit 400 paaralan sa Thailand, isinara dahil sa matinding smog

Bangkok, Thailand – Umabot sa higit 400 paaralan ang nagkansela ng klase dahil sa toxic smog.

Matinding polusyon ang nararanasang kabisera ng Thailand bunsod na rin ng usok galing sa mga sasakyan, konstruksyon, pagsusunog sa mga pananim, maging sa mga pabrika.

Nagsasagawa na ang Thai government ng cloud seeding para umulan.


Pinababawasan na rin ang mga sasakyan sa kalsada.

Payo ngayon sa mga mamamayan nito na iwasan nang magsunog ng insenso o magpaputok sa nalalapit na Chinese New Year upang hindi na makadagdag pa sa polusyon.

Facebook Comments