Higit 400 patay sa volcanic tsunami sa Indonesia

Pumalo na sa 420 katao ang patay habang nasa 1,485 ang sugatan kasunod ng mapaminsalang tsunami sa Indonesia.

Sa huling datos ng National Disaster Mitigation Agency, nasa 154 na indibidwal na ang nawawala.

Umabot naman sa 16,000 katao ang nawalan ng tirahan.


Malaki rin ang iniwang pinsala ng tsunami sa ari-arian kung saan aabot sa 880 bahay, 73 hotel, 60 restaurant at 435 sasakyang pandagat ang nasira.

Lumabas sa pinagsamang pag-aaral ng iba’t-ibang kaukulang ahensya, ang tsunami ay dulot ng pagbagsak sa dagat ng isang 64 na ektaryang laking bato matapos sumabog ang Anak Krakatua volcano, full moon at high tide.

Facebook Comments