Darating na sa bansa ngayong araw ang mahigit 400 Pinoy mula Lebanon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Sarah Lou Arriola, alas 11:00 kagabi nang umalis sa Rafic Hariri International Airport sa Beirut ang batch ng mga Pinoy at inaasahang darating sila sa bansa mamayang ala 1:25 ng hapon.
Kabilang sa mga iuuwi ang mga labi ng apat na Pinoy na nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut gayundin ang 20 nasugatan sa insidente.
Bukod dito, may isa pang chartered flight mula sa Beirut para sa distressed Filipinos na nais makauwi ng Pilipinas.
Sa ngayon, 1,918 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na napauwi mula sa Lebanon.
Facebook Comments