Higit 400 tauhan ng DND, sumailalim sa mandatory drug test

Manila, Philippines – Sumailalim sa ikalawang mandatory drug testing ang nasa higit 400 tauhan na nakatalaga sa Department of National Defense (DND).

Sa datos ng DND, kabuoang 408 personnel, kabilang dito ang nasa 296 civilian at 112 military.

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang drug test kabilang ang mga undersecretaries at assistant secretaries nito.


Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong – ang mandatory drug testing ay requirement para sa drug-free workplace na nakamandato sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaang noong nakaraang taon, nang magsagawa ang ahensya ng mandatory drug testing mula sa 346 na tauhan ay dalawa rito ay nagpositibo sa ‘tetrahydrocannabinol’, isang substance na matatagpuan sa marijuana.

Dahil dito, ang sinibak ang dalawang tauhan na nagpositibo sa droga sa ilalim ng ‘one-strike’ policy ng ahensya.

Facebook Comments