Umabot na sa 4,899 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa buong bansa ngayong araw.
Dahil dito, pumalo na sa kabuuan ang bilang ng aktibong kaso ng virus sa 48,157 habang nadagdagan naman ng 63 ang bilang ng pumanaw na sa ngayon ay 12,829 na ang total nito.
Mayroon namang naitalang 13,371 na gumaling na sa kabuuan ay nasa 560,512 at ang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso sa buong bansa ay umabot na sa 621,498.
Halos 96 percent naman sa mga pasyenteng naitalang may COVID-19 ay nakakaranas ng mild symptoms habang ang iba ay asymptomatic.
Samantala, wala naman naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Filipino na nasa abroad ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Nananatili sa 15,876 ang kumpirmadong kaso; 1,041 ang nasawi at nasa 9,554 ang nakarekober sa COVID-19 na mga Pinoy sa ibang bansa.