Lingayen Pangasinan – Umabot na sa 75% o nasa 4,773 na mga indibiwal na ang tinatamaan ng acute gastroenteritis sa lalawigang Pangasinan. Mas mataas ito kumpara sa naitalang kaso noong parehong mga buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa pamunuan ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) isa sa dahilan ay ang madaling pagkapanis ng pagkain dahil sa pabago bagong panahon at pag-inom ng mga inuming nabibili sa tabi tabi lamang. Sa tala ng PHO karamihan sa tinamaan ng acute gastroenteritis ay nasa edad 9 years old pababa na nakakaranas ng dehydration dahil sa nasabing sakit.
Mahigpit ngayon ang monitoring sa siyudad ng Dagupan, San Carlos, bayan ng Mangaldan, Bayambang, at Calasiao dahil sa mataas na kaso ng nasabing sakit. Sa ngayon pinapayuhan ng pamunuan ng PHO ang mga mamamayan na siguruhing malinis ang tubig na iniinom lalo ang ginagamit sa pagluluto at kailangang panatlihin ang proper hygiene at sanitation lalo sa mga bata para makaiwas sa sakit.
Samantala kung makaranas ng irregular bowel movement, pagsusuka, lagnat, pagkahilo, at pagkahilo ay wag mag-atubiling kumunsulta sa doctor.