Friday, January 16, 2026

Higit 4,000 na pasahero, stranded sa ilang mga pantalan bunsod ng Bagyong Ada

Umaabot sa 4,419 na mga pasahero ang naitalang stranded ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ilang mga pantalan sa bansa.

Ito’y dahil sa Bagyong Ada kung saan 18 na pantalan ang apektado.

Partikular sa mga pantalan ng Central at Esstern Vissyas, Bicol Region, at Northeastern Mindanao.

Pinakaraming naitalang stranded ay sa apat na pantalan sa Bicol na nasa 1,877 na pasahero ang hindi makabiyahe.

Bukod sa mga naitalang stranded na pasahero, hindi rin pinayagan makabiyahe ang 1,828 rolling cargoes at 21 vessels habsng 11 vessels ang pansamantalang nakidaong sa ibang pantalan para maging ligtas sa epekto ng bagyo.

Patuloy naman naka-monitor at nakabantay ang PCG hinggil sa sitwasyon o lagay ng bagyo habang pinapayuhan ang lahat na magdoble ingat.

Facebook Comments