Higit 4,000 OFWs, stranded sa Metro Manila dahil sa problema sa pagitan ng PRC at PhilHealth

Higit 4,000 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang stranded ngayon sa Metro Manila.

Bunsod ito ng matagal na paghihintay ng resulta ng kanilang swab test, makaraang tanggihan ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga OFWs na magpapa-swab test na sponsored ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kasunod nito, aminado si Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ang isa sa malaking problema nila dahil naiipon na naman sa quarantine hotels ang mga dumating na OFWs.


Ayon kay Bello, kung dati ay nakakapagpauwi sila sa probinsiya ng may 1,000 hanggang 3000 OFWs sa isang araw, ngayon ay maximum na ang 300 OFWs na lamang.

Sa ngayon, nasa 100,000 OFWs pa ang inaasahan nilang uuwi sa bansa bago matapos ang taong kasalukuyan.

Facebook Comments