Higit 4,000 Pinoy, stranded sa Sabah – Lorenzana

Umaabot pa sa 4,683 overseas Filipinos sa Sabah, Malaysia ang hindi pa nakakauwi sa bansa.

Ito ay halos isang taon pagkatapos simulan ng pamahalaan ang repatriation process para sa stranded individuals resulta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang siyang nangunguna sa repatriation efforts sa mga Pilipinong nasa Sabah, ilang local government units (LGUs) ang hindi pa handang tumanggap ng repatriates dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Mindanao.


“Hindi pa makabalik dahil ayaw muna ng mga tumatanggap like Zamboanga City, Jolo, and Tawi-Tawi dahil medyo tumataas ‘yung mga kaso nila doon,” ani Lorenzana.

Mula nitong May 22, 2021, aabot na sa 3,168 overseas Filipinos ang natulungang makauwi ng pamahalaan.

Patuloy na nakikipag-coordinate ang pamahalaan sa mga LGUs para payagang makabalik ang mga overseas Filipinos.

Samantala, aabot naman sa 1,237,186 overseas Filipinos na apektado ng pandemya sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang natulungang makauwi sa Pilipinas.

Facebook Comments