Higit 4,000 Tricycle Drivers, Tatanggap ng Tulong Pinansyal

Cauayan City, Isabela- Aabot sa higit 4,000 tricycle drivers ang nakatakdang makakuha ng ayuda sa ilalim ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nasabing programa, tatanggap ng tig-5,500 ang mga tsuper na kanilang makakuha sa pamamagitan ng remittance center.

Ayon kay Prexie Caronan, Provincial Director ng Cagayan-Batanes Field Office, naihulog na ng DOLE Region 02 ang pondo sa M Lhuillier at maaari ng ma- claim ng mga benepisyaryo simula bukas.


Sa kabuuan, nasa 16,960 katao na ang nabigyan ng tulong ng TUPAD sa buong ikatlong distrito ng Cagayan at ito ay nagkakahalaga ng mahigit 93-milyong piso na pondo mula sa DOLE.

Halos 12,000 sa mga tumanggap ng benepisyo ay kabilang sa sektor ng transportasyon tulad ng tricycle, jeepney, kalesa, at PUV drivers.

Samantala, napahanga umano si DOLE Regional Director Joel Gonzales sa aksyon ni Cong. Jojo Lara na nanguna para mabigyan ng ayuda ang mga maliliit na tsuper.

Facebook Comments