Higit 40,000 botante, inaasahang boboto sa isang barangay sa Port Area, Maynila

Aabot sa 43,853 ang inaasasahang boboto sa Pres. Corazon Aquino High School at Sen. Benigno Aquino Jr., Elementary School sa Baseco Compound sa Maynila.

Nabatid na nasa 91 presinto ang inilaan ng Commission on Elections (Comelec) kung saan 31 sa Pres. Corazon Aquino High School habang 60 sa Sen. Benigno Aquino Jr. Elementary.

Sa nasabing bilang ng botante, 32,623 ang boboto para sa Barangay election habang 11,230 ang sa Sangguniang Kabataan.


Bagama’t hindi kasama sa ipinatutupad na early voting system, binibigyan pa rin ng prayoridad sa pagpasok sa mga paaralan ang mga senior citizen, PWDs at mga buntis.

Ayon naman kay Ma. Josefina Bueno-Luna ang principal ng Pres. Corazon Aquino High School, 100% na silang handa at inaasahan nila na halos lahat ng residente ay boboto kaya’t posibleng abutin sila hanggang gabi.

Mas hinihigpitan naman ng Manila Police District (MPD) ang pagbabantay sa seguridad sa Baseco katuwang ang force multipliers.

Facebook Comments