Umaabot sa 42,523 na deboto ang nakiisa sa mga isinagawang misa sa simbahan ng Quiapo.
Ito’y kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Muling Pagkabuhay kung saan ang datos ay mula alas-5:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.
Base pa sa datos na ibinahagi ng pamunuan ng Quiapo Church, umaabot sa kabuuang 179,508 na indibidwal ang nakibahagi sa mga aktibidad mula noong Huwebes Santo hanggang ngayong araw.
Sa nasabing bilang, 64,350 ang sumama sa mga ikinasang prusisyon habang 115,158 ang nakibahagi sa misa.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagdagsa ng deboto sa Simbahan ng Quiapo kung saan patuloy na nakamonitor ang pamunuan ng nabanggit na simbahan.
Ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) naman ay patuloy na nagbabantay para masiguro ang kapayapaan at kaayusan habang pinapayuhan pa rin ang lahat na magtutungo sa anumang simbahan sa Maynila na mag-doble ingat sa anumang oras.