Higit 400,000 katao sa Region 2, Nabakunahan na Kontra COVID-19

20

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa mahigit 400,000 na indibidwal ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 sa rehiyon dos.

Sa datos ng National Vaccine Operations Center (NVOC) as of September 18, 2021, mayroon ng 445,945 katao sa lambak ng Cagayan ang naturukan na ng kumpletong dose ng bakuna habang nasa 648,955 katao naman ang nabigyan na ng first dose ng COVID-19 vaccine.


Umaabot na rin sa 1,133,800 COVID-19 vaccines ang na deliver na sa rehiyon dos na kinabibilangan ng Sinovac na may 703,160; AstraZeneca na aabot sa 214,300; Gamaleya (13,200), Pfizer (31,590), Moderna (51,780) at Janssen na may 119,150 batay na rin ito sa datos ng NVOC as of September 13, 2021.

Facebook Comments