Higit 400,000 manggagawa, na-regular ngayong taon – DOLE

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang accomplishment ngayong taon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ilan sa mga ito ay ang pagtapos sa kontraktuwalisasyon o ENDO kung saan aabot sa 411,000 na mga empleyado sa Pilipinas ang na-regular sa kani-kanilang trabaho.

Ibinida rin ni Bello ang pagtaas ngayong taon ng employment rate sa bansa habang patuloy naman silang nakatutok sa job mismatch para magamit ng mga Pinoy ang kanilang mga tinapos na kurso o pinag-aralan sa trabaho.


Samantala, mas pinaigting naman ng DOLE ang seguridad ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) kung saan nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at ilang bansa upang matiyak na hindi maaabuso ang mga Pilipino na nasa ibayong dagat.

Facebook Comments