HIGIT 400K HALAGA NG ILEGAL NA DROGA, NASABAT SA URDANETA CITY, PANGASINAN

Tiklo ang isang 35 anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Bayaoas, Urdaneta City, Pangasinan.

Nakuha mula sa pagmamay-ari nito ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng nasa P408, 000.

Nakilala ang suspek na residente sa Cavite at naninirahan lamang sa Urdaneta City.

Haharapin nito ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments